Ang Kwento ng Polygyny sa Pananaw ng mga Muslim


  1. Introduksyon
  1. Depinisyon at kasaysayan ng polygyny 

Ang nakakaiba sa tradisyon ng kasal ng mga Muslim ay ang pagpayag nila sa pagpapakasal ng higit pa sa isang babae. Ito ay ang praktis na tinatawag na polygyny (Harford, 2006)

Marahil, marami rin ang pamilyar sa konsepto ng polygamy at polyandry, kung kaya naman ay kailangan bigyang linaw ang pagkakaiba ng mga ito. Ang polygamy ay ang pagsasanay ng pagasawa ng higit pa sa isang babae o lalake (Merriam Webster Dictionary). Sinasakop nito ang polygyny at ang isa pang praktis na tinatawag na polyandry, kung saan naman ay ang babae ang maaaring mag-asawa ng higit pa sa isang lalaki.
Polyandry


Polygamy
Polygyny


Sa pagbalik tanaw sa kasaysayan, ang Polygyny ay hindi nagmula sa mga Muslim. Ito’y nagmula pa noong mga sinaunang panahon sa iba’t ibang mga kultura sa buong mundo. Sa lipunan ng mga Hebrew, tanggap sa nakararami ang pagaasawa ng marami, kung kaya naman ay makikita ang ganitong tradisyon sa Biblia ng mga Katoliko. Tiyak na kapansin-pansin sa Biblia ang mga iba't ibang tauhan na nagkaroon ng higit pa sa isa na asawang babae. Ayon sa dito, ang apo ni Adam na nagngangalang Lamech ay mayroong dalawang babaeng asawa — si Adah, at ang isa naman ay si Zillah. Isa pang kilalang halimbawa ay si Abraham na nagsilbing asawa ni Sarah at ni Hajar. Si Katulad narin si Jacob na nakapangasawa ng dalawa, at nagkaroon ng dalawa pang kerida. Ayon sa Biblia ng mga Hebrew, ang haring si David ay nakapangasawa ng kahit pitong babae. At tulad sa lipunan ng mga Hebrew, tanggap rin ang praktis ng polygyny sa tradisyonal na Tsina, Africa, India, at Greece.


Sa katotohanan, ang pag praktis ng polygyny ay ang kasanayan na tanggap ng iba’t ibang kultura sa mundo noong panahon, hanggang ipinakilala ng Simbahang Katoliko ang   batas tungkol sa pagaasawa ng isa lamang, na lumaganap sa Roman Empire.

Ang praktis na ito ay hiram ng rehiliyong Islam mula sa iba’t ibang kultura noong unang panahon. Ito ay kanilang tinanggap at isinaayos upang maging angkop sa konteksto ng relihiyong Islam. Ang mga sumusunod ay ang mga patakaran na mahahanap sa Qur’an hinggil sa polygyny.
  1. “Marry of the women, who seem good to you, two or three or four; and if ye fear that ye cannot do justice to so many then one only or the captives that your right hands possess."  Qur’an (4:3)

  1. “O Prophet, We have made lawful to you those of your wives, whose dowers you have paid, and those women who come into your possession out of the slave-girls granted by Allah, and the daughters of your paternal uncles and aunts, and of your maternal uncles and aunts, who have migrated with you, and the believing woman who gives herself to the Prophet, if the Prophet may desire her. This privilege is for you only, not for the other believers…” Qur’an (33:50)

Ang pagpraktis ng polygyny ay madalas humahantong sa pananakit, at pag-aabuso sa mga asawa, kung kaya naman ay nakabatay sa Qur’an ang mga limitasyon ng pribilehiyo na ito. Ayon sa Qur’an, ang lalaki ang maaari lamang mag-asawa ng hanggang apat na babae. Maaari lamang rin siya ikasal sa higit sa isang babae kung mayroon siya ng kakayahan sustentohan ang bawat isa ng pantay pantay. Ayon sa mga pagaaral, ang tanging hangarin ng relihiyon Islam sa pagpapahintulot ng polygyny ay ang pagalaga at pagsustento sa mga kababaihang Muslim.


II. Diskusyon
  1. Ang paraan ng Pag-praktis ng Polygyny ng mga Muslim sa Kasulukuyan
Mula sa pagiging isang karaniwan at tanggap na kasanayan, ang polygyny ngayon ay tinitingnan bilang isang negatibong katangian ng kulturang Muslim sapagkat ito ay tinuturing na isang paglabag ng karapatan ng kababaihan. At marahil hindi man ito totoo para sa mga Muslim, marami sa kanila ay hindi na ito hinihikayat. Sa pananaw ng mga Muslim, ang praktis ng polygyny ay isang tanggap na pananaw ngunit hindi na ito madalas na makikita  or inirerekomenda sa kasalukuyang lipunan ng mga Muslim. Ayon sa isang awtor, 10-15% lamang ng mga muslim sa mga Islamic na bansa ang handang pasukin ang polygynous na kasal. Marami man sa mga lalaking Muslim ang gustong makapagasawa ng higit sa isa, hindi nila kaya magsustento sa marami. Kahit ang mga mayayamang Muslim ay madalas rin  na nangangamba mag-asawa ng marami sapagkat ito ay magdadala lamang ng away at kaguluhan sa kanilang mga pamilya (Philips, 2014).

B.Ang polygyny laban sa monogyny/monogamy sa Islam

Sa Islam dalawa ang klaseng ng kasal na maaaring makita:

Una ay ang monogamous marriage, kung saan ang lalaki ay kasal sa isang babae lamang. Kasama rin dito ang isang sekswal na relasyon sa isang partner lamang. Sa kasalukuyan, ito ang kasanayan ng iba’t ibang kultura sa buong mundo, lalo na sa mga bansang pang kanluran. Marahil, isang dahilan na ang kasaysayan na pinagusapan kanina lamang. Siguro isa naring dahilan ay ang pag-tingin nila na ito ay ang sibilisadong paraan ng pag-papakakasal. Tingin ng karamihan na hindi kabilang sa kulturang Muslim na ang pag praktis ng polgyny ay isang negatibong katangian ng relihiyong Islam. Sapagkat kinikilala ng rehiliyon Islam ang kasanayan ng polygyny, karaniwan ang pananaw na madali lamang kumuha ng diborsiyo (Philips, B.) sa relihiyong Islam. Ang monogamy ay maganda sa perspektibo na kung meron man mangyari sa isa sa lalaki, ang babae at ang kanilang anak lang ang madadamay sa usapang iwanan na mga bagay ng partner hindi gaya kapag Polygyny na kung meron na magyari sa lalaki, maraming asawang babae at ang maraming anak ang madadamay. Ayon sa Simabahang Katoliko, tama ang pag prapraktis ng monogamy dahil ito ay nakakaprotekta ng mga rights ng isang babae at ito ay may sibilisadong epekto sa mundo. Kontra lang dito ay ang argumento na nakapagtataka kung bakit ang monogamy ay sinusuportahan na kung ang mundo ay isang patriarchal na lipunan, bakit maraming lalaki ang nagkakaroon ng mga relasyon na labas sa monogamy na relasyon sa kanilang babaeng asawa. Madaming mga kadahilanan na kailangan na tingnan gawa ng pagsasawa sa sexual na paktor at ang pagsasawa ng mag partner sa isa't isa.

Ang limited Polygyny naman ay pinapakita lamang na hanggang 4 na asawa lang ang pwede ikasal.

Ang Polygyny sa Islam

1. Dapat lamang ang maiibibigay sa lahat ng asawa
2. Meron sapat na na pera para masupporta ang mga asawa
3. Dapat pumunta sa hukuman ng pamilya bago magpakasal ng panibagong asawa.

C.Ang polygyny laban sa Polyandry

Ang polyandry ay ang praktis na ang babae ay pwedeng magpakasal sa isa at maraming lalaki. Sinasabi na ang Muslim na babae ay pwede lang mapakasal sa isang beses lang kontra dun sa mga lalaki at polygyny. Hindi pa pwede ang babae dahil ayon sa Islam na yung lalaki ay ang “breadwinner” ng pamilya. Kung magpapakasal ulit ang babae sa ikalawang lalaki, magkakaroon ng problema ito dahil magkakaroon ng dalawang “breadwinner” na ito ay kontra sa koncepto ng pagtuturo  ng Islam sa pamilya. 

Naintindihan naman daw ng Qua’ran kung baka isipin ng mga tao na hindi pareho ang lalaki sa babae dahil dito. Pero ang usapan ay hindi sa pagiging parehas ng lalaki at babae kung hindi ay ang pagbibigay hustisiya. (Amjad, M.) 

D. Ang Pananaw Ng Mga Babaeng Muslim Sa Polygyny
Sa Artikolo ni Dr. Salwa Ahmad, nag interbiew siya ng mga tao gaya ni Izzah Husayan na ang sabi ay: 

`Izzah Husayn tells us: “I got married at the age of 18. I was at college studying literature. My father had treated his children very harshly, and my mother was always weak in front of my father’s decisions at home. These circumstances pushed me to make a bad choice in my first husband. I was carried away by emotions. He had dropped out of school after completing middle school. We were distantly related by blood. (Ahmad, 2007). 

Sinasabi ni Izzah na ang importante ay hindi yung pagkakasal kundi ang pag mainteno ng relasyon nilang dalawa nag asawa. Dito daw kase makikita ang hindi kagandahan na bagay gaya ng pagiging hinding magandang ugali na pag trato ng kayang asawa, ang pag-papakasal ulit ng lalaki  sa ikalawang asawa. 

Ang isa rin namang estorya ay kay Fathiyyah Jamal at ang sabi niya ay, 

“I refuse to get into a polygamous marriage, because I have never seen any example of a man who can even show justice between his children. There are still too many fathers – and even mothers – who treat their sons better than their daughters. How can you expect such men to show equal treatment to more than one wife?” 

Makikita natin dito ang tiwala ng babae ay nawawala dahil hindi mo rin naman talaga masasabi kung pareho ang trato ng lalaki sa kanyang mga asawa.

Konklusyon:
Ayon sa ating mga pinag-aral, makikita natin ang mga perspekitbo ng mga Muslim sa mga iba't ibang bagay at perspektibo ng mga lalaki at ng babae. Ang polygyny ay isang praktis ng mga Muslim at makikita at maiintindihan natin ito sa artikulo na ito. Meron ang mga relihiyon na mga pratiks na kung sa kanila ay nakakatangap, sa iba naman kontra ito. Sa huli, kanya kanyang relihiyon at paniniwala tayo. Ang kagandahan nitong pag-aaral ay pwede natin ito intidihan at may mga aral tayong matututunan. 





























Sources:

Dictionary, C. Monogamy. Kinuha sa: http://www.collinsdictionary.com/dictionary/english/monogamy. Petsa Pinasukan: Disyembre 1, 2014.
http://misconceptions-about-islam.com/polygamy-islam-4-wives.htm
http://www.slate.com/articles/arts/the_undercover_economist/2006/02/i_do_i_do_i_do_i_do.html
http://www.islamswomen.com/marriage/islams_position_on_polygamy.php
http://www.understanding-islam.com/q-and-a/social-issues/why-does-islam-not-allow-polyandry-5348
https://hts2041.wordpress.com/2013/02/20/polygamy-in-the-modern-islamic-world/
http://en.islamtoday.net/artshow-419-3067.htm



No comments:

Post a Comment